200 pasyente, staff ng mega drug abuse treatment and rehab center sa Nueva Ecija, positibo sa COVID-19

Credit: Google

Aabot sa 200 pasyente at staff ng mega drug abuse treatment and rehabilitation center sa Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija ang nagpositibo sa COVID-19.

Pansamantalang ginawang quarantine facility ang mega drug rehab para sa mga umuwing overseas Filipino worker (OFW).

Dahil dito, humihirit ang local inter-agency task force na pansamantalang itigil muna ang pagtanggap ng mga umuuwing OFW.

Matatandaang dinadala sa Nueva Ecija ang mga umuuwing OFW para sumailalim sa quarantine period.

Read more...