Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, natapos ang pasilidad sa bahagi ng Barangay Dagatan para sa posible at kumpirmadong kaso ng COVID-19 na may mild symptoms.
“Our DPWH Batangas 4th District Engineering Office have finished the conversion of Lipa Academy of Sports, Culture and Arts (LASCA) into temporary medical facility for individuals who will be identified as possible and confirmed COVID-19 with mild symptoms”, pahayag ng kalihim.
Nai-turnover ni DPWH Undersecretary Emil Sadain, pinuno ng DPWH Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Health Facilities, ang pasilidad kina Department of Health (DOH) Region 4A Director Eduardo Janairo at Lipa City Mayor Eric Africa noong October 2.
Patuloy ang pagtatayo ng DPWH Task Force ng quarantine/isolation facilities para matugunan ang pangangailangan ng medical facilities sa gitna ng pandemya.
Samantala, sinabi ni Sadain na isinasagawa na ang quarantine/isolation facilities na may 20 beds sa Municipal Beach Pavillion sa bahagi ng Barangay Bucana sa Nasugbu at maging ang pasilidad na may 22 beds sa San Pascual Evacuation Center.
Upang mapaigting ang health service capacity, nagtayo ang kagawaran ng 3 makeshift medical facilities gamit ang prefabricated units na may 76 beds sa Batangas Medical Center.