Isasara ang mga pampubliko at pribadong memorial parks, sementeryo, at kolumbaryo sa Pasig City mula October 29 hanggang November 4, 2020.
Sa abiso ng Pasig City Public Information Office, ito ay alinsunod sa Resolution No. 72 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Para makadalaw sa mga namayapang mahal sa buhay, magiging bukas ang mga memorial park, sementeryo, at kolumbaryo sa lungsod simula October 26 hanggang 28, 2020 at November 5 hanggang 7, 2020.
Kasabay nito, magpapatupad ng Barangay Coding Scheme sa mga nabanggit na petsa upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao:
Ayon sa Pasig City PIO, sinumang lumabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng multang P1,000 at pitong araw na suspensyon ng permit to operate para sa mga establisyemento.
Narito naman ang mga paalala sa mga bibisita sa mga memorial park, sementeryo, at kolumbaryo sa lungsod,
– Mga residente lang ng Pasig ang papayagang pumasok sa mga nabanggit na petsa
– Papayagang makapasok ang mga hindi residente ng lungsod sa mga araw na hindi nakatalaga para sa mga taga-Pasig, bago o matapos ang October 26 hanggang November 7
– Kailangang magdala ng proof of residence tulad ng ID o barangay certificate
– Walang age restrictions ang pagbisita sa mga nasabing lugar
– Dapat nakasuot pa rin ng face mask at face shield.