Isa pang empleyado ng PCOO, tinamaan ng COVID-19

By Chona Yu October 04, 2020 - 12:02 PM

Isa pang empleyado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay PCOO Assistant Secretary JV Arcena, sa kabuuan, tatlo ang aktibong kaso ng COVID19.

Aabot naman sa 44 ang nakarekober na habang isa ang nasawi.

Samantala, isa naman ang aktibong kaso ng COVID-9 sa APO printing office, ang attached agency ng PCOO habang 10 ang nakarekober at isa ang nasawi.

Isa naman ang positibo sa News and Information Bureau habang 10 ang nakarekober.

Lima ang aktibong kaso sa National Printing Office habang 28 ang nakarekober.

Isa naman ang aktibong kaso sa Philippine Information Agency habang pito ang nakarekober.

16 ang aktibong kaso sa PTV 4, dalawa ang nakarekober at isa ang nasawi.

Isa ang aktibong kaso sa RTVM habang 11 ang nakarekober.

TAGS: Asec. JV Arcena, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, PCOO COVID-19 cases, PCOO COVID-19 deaths, PCOO COVID-19 recoveries, Radyo Inquirer news, Asec. JV Arcena, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, PCOO COVID-19 cases, PCOO COVID-19 deaths, PCOO COVID-19 recoveries, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.