Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 35.13 milyon
Umabot na sa mahigit 35.13 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 35,133,082 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 7,600,846 cases.
Sumunod na rito ang India na may 6,547,413 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 4,906,833 naman ang kaso sa Brazil habang 1,204,502 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Colombia – 848,147
– Peru – 824,985
– Spain – 810,807
– Argentina – 790,818
– Mexico – 757,953
– South Africa – 679,716
– France – 606,625
– United Kingdom – 480,017
– Chile – 468,471
– Iran – 468,119
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,037,974 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 26,123,476 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.