‘Perfect timing ng COA report, kaduda-duda’-Ex-Mayor Binay

 

Inquirer file photo

Kinwestyon ni dating Makati City Mayor Junjun Binay ang ‘perfect timing’ ng paglalabas ng special audit report ng Commission on Audit sa diumano’y anomalyang napapaloob sa konstruksyon ng Makati City Hall Building II project.

Giit ng dating alkalde, mistulang sinadya ang ‘timing’ kung kailan inilabas ang resulta ng special audit sa panahong isinasagawa ang mga pre-election presidential surveys.

Paliwanag pa nito, mistulang minadali ng COA ang proseso dahil hindi sila binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag hinggil sa mga isyung ipinupukol laban sa kanila ng komisyon.

Malinaw aniyang makikita ng taumbayan na may kinalaman sa eleksyon ang mga akusasyon laban sa kanilang pamilya dahil lumutang lamang ang mga ito sa panahon ng halalan kung saan tumatakbong presidente ang kanyang ama.

Read more...