PCG quarantine facility, 99 porsyento nang tapos
Nasa 99 porsyento nang kumpleto ang isinasagawang Philippine Coast Guard (PCG) quarantine facility.
Ayon sa ahensya, inaasahang matatapos ang proyekto sa Coast Guard Base Taguig sa susunod na linggo, kasabay ng pagdiriwang ng ika-119th na anibersaryo nito.
Makatutulong ang pasilidad para sa mga frontliner ng ahensya na apektado ng COVID-19.
Sa huling datos ng Coast Guard Medical Service, nasa 85 ang kabuuang bilang ng PCG personnel na lumalaban pa sa nakakahawang sakit.
21 naman ang naitalang kaso ng reinfection, kung saan 16 ang gumaling na sa ikalawa at ikatlong kaso ng reinfection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.