Magnitude 5 na lindol, tumama sa Davao Oriental
Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Davao Oriental, Sabado ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 54 kilometers Southeast ng Governor Generoso dakong 11:25 ng umaga.
118 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Tupi, South Cotabato; General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity 1 – Kiamba, Sarangani; Koronadal City
Wala namang napaulat na pinsala sa Governor Generoso at mga karatig-bayan.
Ngunit babala ng Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.