Pilipinas, uupa ng mga patrol planes sa Japan
Inanunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III na uupa ito ng mga eroplano mula sa Japan upang makatulong sa pagpa-patrulya ng Philippine Navy sa mga teritoryo ng bansa sa South China Sea.
Ayon sa Pangulo, bukod pa sa pag-upa ng TC-90 training planes, bibili rin ang Pilipinas ng isang dosenang military aircrafts ngayong taon hanggang sa taong 2017.
Kabilang na dito ang dalawang FA-50 fighter jets mula naman sa South Korea.
Simula noong 2010 nang siya ay manungkulan, sinabi ni Pangulong Aquino na ang pamahalaan ay nakagastos na ng mahigit P58-bilyon para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matatandaang tumindi ang tensyon sa bahagi ng West Philippines Sea nang magsimulang i-reclaim ng China ang ilang bahura sa naturang rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.