Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2020 - 04:11 PM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 3:43 ng hapon ngayong Biyernes, Oct. 2, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Pampanga, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Mayantoc, San Jose, Capas at Bamban sa Tarlac; Mendez, Alfonso, General Trias at Trece Martires sa Cavite; Carranglan at Bongabon sa Nueve Ecija at sa lalawigan ng Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa bulubunduking mga lugar.

 

 

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.