Infanta, Pangasinan niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagpaynig sa 15 kilometers northwest ng bayan ng Infanta, alas-2:56 ng hapon ng Biyernes (October 2).

May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang Intensity IV sa Alaminos City, Pangasinan at Intensity III naman sa Laoac, Pangasinan.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...