Ayon kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, nakumpleto na ang terminal cleaning at disinfection ng Manila infectious Disease Control Center sa ospita.
“We are following strict hospital infection protocols, strict social distancing rules and proper hospital cohorting. Terminal cleaning and disinfection of Manila infectious Disease Control Center is also completed to all areas making the Hospital a safe workplace,” pahayag ni Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla.
Tuluy-tuloy din ang ginagawang swab testing para sa mga medical frontliners ng ospital.
“We are scheduled for the third round of mandatory swab testing among our healthcare workers,” ani Padilla.
Pinasalamatan naman ng direktor sina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa pagbibigay nila ng suporta sa mga medical at healthcare frontliners sa anim na district hospitals ng Maynila lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Tiniyak din ng pamunuan ng Sta. Ana Hospital na magpapatuloy ang kanilang istriktong pag-momonitor sa kalusugan ng kanilang mga hospital workers bagamat COVID-free na ang mga ito sa kasalukuyan.
Ani Padilla, dalawang linggo lang zero COVID-19 sa kanilang healthcare workers sa ospital.