Bayabas, Surigao del Sur muling niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagpaynig sa 40 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-10:56 umaga ng Biyernes (October 2).
May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna ng niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lugar kaninang alas-4:16 madaling araw.
Ang pagyanig ay aftershock ng nagnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.