Manila City LGU nakapamahagi na ng 925,389 ang mga washable face masks

Umabot na sa 925,389 ang mga washable face masks na naipamahagi sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing mga face mask ay nagawa mula sa Face Masks Sewing Livelihood Program ng lungsod.

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office, inilunsad ang programa noong Hunyo kung saan nakapagbigay din ng trabaho sa mga mananahi at master cutter.

Target ng LGU na makapamigay ng hanggang isang milyong face masks sa kanilang mga residente.

 

 

 

Read more...