Miss Earth 2017 Karen Ibasco, naka-recover na sa COVID-19

Gumaling na sa COVID-19 si Miss Earth 2017 Karen Ibasco.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Ibasco na siya at kaniyang pamilya ay nagpositibo sa COVID-19.

Hinala ni Ibasco, nakuha nila ang infection mula sa mga ipinade-deliver nila sa kanilang bahay.

Sinabi din ni Ibasco na patuloy pang nagre-recover ang kaniyang katawan at bumabawi ng lakas matapos tamaaan ng sakit.

Nagbigay din ng impormasyon si Ibasco sa mga ospital na mayroong available na swab test para sa COVID-19 kasama ang presyo at contact numbers.

 

 

 

Read more...