Ice box na may lamang pugot na ulo inabandona sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2020 - 08:56 AM

Natagpuang abandonado ang isang ice box sa Sta. Cruz sa Maynila.

Ayon sa Meisic Police Station, dalawang tricycle driver ang nakakita sa ice box sa bahagi ng Florentino Torres Street corner Soler Street sa Sta. Cruz bago mag-12:00 ng hatinggabi.

Nang buksan ang ice box ay nagulantang sila nang makitang pugot na ulo ang laman nito.

Habang patungo ng Gandara Police Community Precinct ang dalawa para ireport ang natuklasan ay may nakasalubong na silang mga pulis na agad rumesponde sa lugar.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na dinala na sa punerarya.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen, at tinitingnan na rin kung may kuha ng CCTV sa lugar upang mabatid kung sino ang nag-iwan sa kalsada ng ice box na may lamang ulo.

 

 

 

 

 

TAGS: manila, police report, manila, police report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.