Biyahe ng LRT-1 nakaranas ng aberya
Sa pagsisimula ng biyahe ngayong Biyernes (Oct.2) ng umaga ay nagka-aberya ang Light Rail Transit – 1.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), alas 5:13 ng umaga nang magpatupad ng “stop for safety” sa biyahe ng mga tren mula Balintawak to Monumento station.
Makalipas ang dalawang minuto, sinabi ng LRMC na limitado na ang biyahe ng LRT-1 at ang mga tren ay bumibiyahe lamangmula Baclaran hanggang Monumento at vice versa.
Ito ay dahil sa problema sa bahagi ng Balintawak Station.
Batay sa update na inilabas ng LRT-1, alas 6:02 ng umaga ay naiayos na ang problema at normal na ang operasyon ngg mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.