Tuguegarao City muling sasailalim sa MECQ

Muling isasailaim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City sa Cagayan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at pagkakaroon ng clustering ng kaso sa ilang mga barangay.

Ayon kay Tuguegarao City Jefferson P. Soriano, simula bukas October 3 hanggang sa October 16 ay iiral ang MECQ sa lungsod.

Sinabi ni Soriano na inirekomenda niya kay Cagayan Gov. Manuel Mamba ang pagsasailalim ng lungsod sa MECQ.

Inaprubahan naman ito ni Mamba at ng Regional Inter Agency Task Force.

Pinapayuhan ang mga residente na tapusin na ang mga transaksyon at mamili na ng kanilang mga kailangan ngayong araw.

Patuloy ang pagdami ng COVID-19 cases sa Tuguegarao City.

Sa Brgy. Cataggaman Nuevo isang buong pamilya ang nagpositibo sa COVID-19.

Unang nagpositibo ang tinaguring si CV1628 at nahawa sa kaniya ang kaniyang mga kaanak kabilang ang asawa, anak, hipag biyenan, at pamangkin.

 

 

Read more...