Kotse inararo ang mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas Flyover
By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2020 - 06:18 AM
Isang kotse ang umararo sa mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA-Ortigas Flyover southbound.
Ilang concrete barriers ang nabasag dahil sa pagkakabangga ng kotse.
Dahil sa naturang aksidente, saglit na isinara ang EDSA-Busway sa Ortigas.
Bago mag alas-6:00 ng umaga naman ay naialis sa lugar ang naaksidenteng kotse at napadaanan na ang EDSA-Busway.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.