LPA, Habagat magpapa-ulan sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon
Magdudulot ng pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila at mga rehiyon sa Luzon ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 905 kilometers East ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA, ang trough ng LPA at ang Habagat ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at sa Northern Samar.
Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas at mainit ang panahon.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya malayang makapaglalayag ang mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.