Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Miyerkules, September 30), nadagdagan ng 95 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 6,905.
Sa nasabing bilang 971 ang active cases.
Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya’t umabot na ito sa 291.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 8,167 na.
MOST READ
LATEST STORIES