Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, 21,000 na

Nagkaroon pa ng 51 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 1, 21,000 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,300 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 218 ang bagong gumaling kung kaya 18,419 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,281 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...