PNP, susunod sa LGU guidelines sa pagbubukas ng industriya ng turismo

By Jan Escosio October 01, 2020 - 10:20 PM

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na irerespeto nila ang polisiya ng lokal na pamahalaan sa pagbubukas muli ng industriya ng turismo.

Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force Covid Shield, kung papayag ang LGU na magpapasok ng mga turista na 21-anyos pababa at 60-anyos pataas, kanila itong igagalang.

Katuwiran ni Eleazar, dahil kailangan na rin ang negatibong swab test result sa mga nais magtungo sa tourist spots at kadalasan ay magkakamag-anak ang nagsasama-sama, hindi na kailangan pang maghigpit sa age limit.

Dagdag nito, kailangan lang ay walang turista ang may seryosong pre-existing health condition.

Ngunit pagtitiyak ni Eleazar, hindi sila magluluwag sa pagpapatupad ng minimum health standards sa mga turista.

Sa ngayon, base sa quarantine guideline, hindi maaaring lumabas ng bahay ang may edad 21 pababa at 60 pataas.

TAGS: Inquirer News, Joint Task Force COVID Shield, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP on tourism, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Joint Task Force COVID Shield, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP on tourism, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.