433 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 01, 2020 - 10:02 PM

Umabot sa 433 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (September 30), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 1).

Pinakamaraming nahuling hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 247.

Sumunod dito ang lumabag sa curfew na umabot sa 152 kung saan 99 ang adult habang 53 ang menor de edad.

13 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang 16 sa iba pang ordinansa.

TAGS: COVID-19 response, curfew violation, Inquirer News, Navotas City Police, quarantine rules, Radyo Inquirer news, social distancing violation, COVID-19 response, curfew violation, Inquirer News, Navotas City Police, quarantine rules, Radyo Inquirer news, social distancing violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.