Sen. Go tiwalang luluwag ang Metro Manila traffic kapag naitayo ang Bulacan airport

By Jan Escosio October 01, 2020 - 09:30 PM

Naniniwala si Senator Christopher “Bong” Go na sa pagpapatayo ng international and domestic airport sa Bulacan, maiibsan ang mabigat na sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi pa ng senador na ang malaking proyekto ay magbibigay ng trabaho, na aniya ngayong pandemiya ang talagang kailangan ng marami sa mga Filipino.

Ito aniya ang dalawang dahilan kayat sinusuportahan niya ang panukala para mabigyan ng prangkisa ang San Miguel Aerocity Inc., at maitayo na ang modernong airport sa Bulakan, Bulacan.

“This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand in hand in building a better future for our people,” Go said in his manifestation of support for San Miguel’s efforts.

Pasisiglahin din aniya ng airport ang ekonomiya sa Gitnang Luzon.

Pagdidiin din ni Go, malaking tulong ang proyekto sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program na layon mahikayat ang mga taga-Metro Manila na umuwi ng kanilang probinsiya at doon magsimula ng panibagong buhay tungo sa kanilang pag-asenso.

TAGS: Bulacan airport, Inquirer News, Metro Manila traffic, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Bulacan airport, Inquirer News, Metro Manila traffic, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.