Isa pang LSI sa Batanes, nagpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan October 01, 2020 - 06:25 PM

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang isa pang locally stranded individual (LSI) sa Batanes.

Ayon sa Provincial Government ng Batanes, lumabas ang resulta na positibo sa nakakahawang sakit ang LSI sa araw ng Huwebes, October 1.

Ito na ang ikalawang kaso ng COVID-19 sa Batanes.

Dumating ang LSI sa Batanes noong September 22 via Philippine Air Force (PAF).

Asymptomatic naman ang pasyente at stable ang kondisyon.

Sa ngayon, nakasailalim na sa strict isolation ang pasyente sa Sinakan Isolation Unit sa Sabtang.

Nagsasagawa na rin ng intensive contact tracing ang COVID-19 Task Group – Health Cluster sa mga posibleng nakasalamuha nito.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Batanes, COVID-19 deaths in Batanes, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Batanes, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Batanes, COVID-19 deaths in Batanes, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Batanes, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.