Karagdagang 18 Filipino abroad, gumaling na sa COVID-19

By Angellic Jordan October 01, 2020 - 04:38 PM

Napaulat na lima ang bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 1, umakyat na sa 10,539 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,001 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

18 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,745 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, isa naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, umakyat na sa 793 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,099 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,199 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 810 naman ang kaso sa Americas at 1,431 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DFA COVID monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DFA COVID monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.