Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kung kaya kinakailangang tapusin na ito.
Binabatikos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay ng white sand sa Manila Bay dahil sa may kinakaharap pa na pandemya ang bansa sa COVID-19.
“Nasimulan na po ‘yan, eh so kinakailangan tapusin na po ‘yan. Ang mga nare-realign eh yung mga hindi pa po nagsisimulang mga proyekto. Yung budget po kasi diyan, hindi lang kasi siya budget, actually, for the beach nourishment. It’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay,” pahayag ni Roque.
Katwiran pa ni Roque, may dalawang taon nang ipinapanukala ng DENR na pondohan ang pagpapaganda sa Manila Bay.
“As I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented now,” pahayag ni Roque.