Calayan, Cagayan niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Cagayan, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 14 kilometers Southeast ng Calayan dakong 3:10 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at 14 kilometer ang lalim.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Calayan at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...