Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang naman si Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan na magbenta ng mga ari-arian sa Japan.
Kinakailangan din kasi aniya ng pag-sang ayon ng Kongreso.
“Mga personal na opinyon po iyan ni Secretary Locsin. Pero ang sinasabi ko nga po noong huling press briefing, ang mga pagbebenta po ng property natin sa Japan ay hindi lamang manggaling sa Presidente, kinakailangan magkaroon din po ng concurrence an gating Kongreso,” pahayag ni Roque.
Una rito, sinabi ni Locsin na sa halip na ibenta ang mga ari-arian ng gobyerno sa Japan, mas makabubuting ibenta na lamang ang mga kurakot at mga walang kakayahang opisyal ng pamahalaan sa slave market sa North Africa.
Apat na property ang nabili ng pamahalaan ng Pilipinas sa Tokyo at Kobe noong panahon ng war reparation agreement noong May 1956.
Pinakapamoso sa mga ari-arian ng Pilipinas ang Roppongi property sa Tokyo.