Pagtutol ni Locsin sa pahagay ni Pang. Duterte na ibenta ang mga ari-arian ng Pilipinas sa Japan, opinyon lang – Palasyo

By Chona Yu October 01, 2020 - 03:43 PM

Personal na opinyon lamang ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagtutol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta na ang mga ari-arian ng Pilipinas sa Japan para may maipangtustos sa mga programa kontra sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang naman si Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan na magbenta ng mga ari-arian sa Japan.

Kinakailangan din kasi aniya ng pag-sang ayon ng Kongreso.

“Mga personal na opinyon po iyan ni Secretary Locsin. Pero ang sinasabi ko nga po noong huling press briefing, ang mga pagbebenta po ng property natin sa Japan ay hindi lamang manggaling sa Presidente, kinakailangan magkaroon din po ng concurrence an gating Kongreso,” pahayag ni Roque.

Una rito, sinabi ni Locsin na sa halip na ibenta ang mga ari-arian ng gobyerno sa Japan, mas makabubuting ibenta na lamang ang mga kurakot at mga walang kakayahang opisyal ng pamahalaan sa slave market sa North Africa.

Apat na property ang nabili ng pamahalaan ng Pilipinas sa Tokyo at Kobe noong panahon ng war reparation agreement noong May 1956.

Pinakapamoso sa mga ari-arian ng Pilipinas ang Roppongi property sa Tokyo.

TAGS: Inquirer News, Philippine properties in Japan, Philippines selling Japan properties, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sec. Teodoro Locsin Jr., Inquirer News, Philippine properties in Japan, Philippines selling Japan properties, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sec. Teodoro Locsin Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.