NCR, ilang lugar sa Luzon patuloy na uulanin
Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:04 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Batangas, Rizal, at Pampanga.
Maaapektuhan din ang Zambales partikular sa Botolan, Cabangan at Olongapo; Bamban at Mayantoc sa Tarlac; Morong at Hermosa sa Bataan.
Uulanin din ang Dasmariñas, General Trias at Imus sa Cavite; Real, Guinayangan at Calauag sa Quezon; Santa Maria, Famy, Siniloan at Pangil sa Laguna.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.