“Offer of resignation” ni Speaker Cayetano binatikos ng mga kapwa kongresita

Tinuligsa ng mga kasamahang kongresista ang ginawang resignation ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay Buhay Rep. Lito Atienza, ang pagbibititiw ni Cayetano ay isang scripted telenovela para maging dahilan ng kanyang pananatili sa puwesto.

Hindi rin anya kahapon ang tamang panahon para sa pagbibitiw nito dahil sa October 14 pa ang napagkasunduan.

Blackmail anya ang ginawa ng house speaker sa kongreso at sa buong bansa sa hindi pagsunod sa agreement na sa October 14 ito magbibitiw sa puwesto.

Para naman ni PBA Rep. Koko Nograles, ang resignation ni Cayetano ay pag-aaksaya ng legislative time.

Bukod dito, ito rin ayon kay Nograles ay pang-aabuso sa pribilehiyo na ibinigay sa kanya.

Maari naman anya na ginawa na lamang ito ni Cayetano sa pamamagitan ng Facebook.

 

 

 

Read more...