Ginawang pagtanggal ng Facebook sa mga pro-government accounts sisilipin ng Kamara
Magsasagawa ng pagdinig ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa ginawa ng Facebook na pag-alis ng mga network at fake accounts na iniuugnay sa AFP at PNP.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, aalamin nila kung may ginawang paglabag sa freedom of expression ang Facebook na itinatadhana ng 1987 Constitution.
Sisimulan ang pagsisiyasat pagkatapos na maipasa ang 2021 national budget sa unang linggo ng Oktubre.
Nababahala ang kongresista sa mistulang pagiging partisan ng Facebook dahil ang mga police at military pages ay binura nito gayong ang mga pages na humihikayat ng paglaban sa gobyerno at pagsuporta sa terorismo at karahasan ay nanatili sa nasabing social media network.
Nanawagan si Cayetano sa Facebook Philippines na pagnilayan at pagisipang mabuti ang naging aksyon dahil ito’y nagmamaliit sa ‘democratic principles’ ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.