Ngunit puna ni Poe sa P1.10 trillion infrastructure outlays sa susunod na taon, kahit isang sentimo ay walang inilaan para sa pagpapagawa ng walkway.
Hirit pa nito, noong nakaraang Enero, inaprubahan na ng NEDA ang P8.51 billion EDSA Greenways project at nananatili ito nasa listahan ng priority projects.
Layon ng proyekto na magkaroon ng pedestrian facilities sa paligid ng ilang rail stations sa EDSA at alinsunod sa National Transport Policy na inaprubahan ng NEDA noon pang 2017.
Idiniin ni Poe na sa pag-aaral ng Asian Development Bank, halos 35 porsiyento ng mga pinupuntahan ay maaring lakarin ng 15 minuto ngunit dahil sa walang disenteng malalakaran, napipilitan ang tao na gamitin ang sariling sasakyan o sumakay ng pampublikong sasakyan.
Hirit nito, dapat ay mabigyan ng kahit maliit na bahagi ng infrastructure budget ang mga commuter at pedestrian.
Ipinanukala ni Poe ang Sustainable Elevated Walkways Act.