Sen. Grace Poe pinuna ang kawalan ng pondo para sa elevated walkways

By Jan Escosio October 01, 2020 - 11:22 AM

Sinisingil na ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) sa pangako noong nakaraang taon na magtatayo ng elevated walkways.

Ngunit puna ni Poe sa P1.10 trillion infrastructure outlays sa susunod na taon, kahit isang sentimo ay walang inilaan para sa pagpapagawa ng walkway.

Hirit pa nito, noong nakaraang Enero, inaprubahan na ng NEDA ang P8.51 billion EDSA Greenways project at nananatili ito nasa listahan ng priority projects.

Layon ng proyekto na magkaroon ng pedestrian facilities sa paligid ng ilang rail stations sa EDSA at alinsunod sa National Transport Policy na inaprubahan ng NEDA noon pang 2017.

Idiniin ni Poe na sa pag-aaral ng Asian Development Bank, halos 35 porsiyento ng mga pinupuntahan ay maaring lakarin ng 15 minuto ngunit dahil sa walang disenteng malalakaran, napipilitan ang tao na gamitin ang sariling sasakyan o sumakay ng pampublikong sasakyan.

Hirit nito, dapat ay mabigyan ng kahit maliit na bahagi ng infrastructure budget ang mga commuter at pedestrian.

Ipinanukala ni Poe ang Sustainable Elevated Walkways Act.

 

 

TAGS: dotr, grace poe, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walkways, dotr, grace poe, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walkways

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.