Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng mahigit 6,000

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 10:55 AM

Umabot na sa 1,018,732 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 211,740.

Umabot naman na sa mahigit 143,900 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 98,500 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 77,100.

Umabot naman na sa mahigit 25.4 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 211,740
Brazil – 143,962
India – 98,708
Mexico – 77,646
UK – 42,143
Italy – 35,894
France – 31,956
Peru – 32463
Spain – 31,791
Iran – 26,169

 

 

TAGS: Brazil, global death, US, Brazil, global death, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.