Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, legal ang naging proseso kahapon kung saan nagkaroon ng botohan ang mga kongresista para tanggihan ang pagbibitiw sa puwesto ni Cayetano.
Sinabi pa ni Roque na nasa Saligang Batas naman na ang mga kongresista ang may karapatan na pumili ng kanilang lider at hindi ang pangulo ng bansa.
Ayon kay Roque, noon pa man, naging malinaw na ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagaman nagkaroon na ng gentleman’s agreement sina Cayenato at Congressman Lord Allan Velasco, mababalewala lahat ng ito kung walang numero si Velasco.
Pero ang ikinababahala aniya ng pangulo ngayon, hindi ang term sharing ng dalawang kongresista kundi ang pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa P4.5 trilyon.
Hindi kasi aniya maaring maantala o magkaroon ng reenacted budget lalo’t nakasalalay roon ang COVID-19 response ng pamahalaan.