PAGASA, nagbabala ng heat wave sa Summer

By Len Montaño March 09, 2016 - 06:00 PM

summer heat waveNagbabala ang PAGASA ng heat wave o matagal na masyadong mainit na mga araw sa Summer dahil pinaigting ng El Niño ang dry season.

Ayon sa PAGASA, ang naitalang maximum temperature sa linggong ito na 35 hanggang 36 degrees celsius ay tataas pa kapag nag-peak ang summer sa buwan ng Abril.

Noong March 1, naitala sa General Santos City ang pinakamataas na temperatura ngayong 2016 na nasa 38.6 degrees celsius.

Mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño sa summer pero sinabi naman ng PAGASA na ang tagtuyot ay hindi kasing-lawak gaya ng pinangangambahan.

Sa huling tala ay may tagtuyot sa labing-siyam na probinsya ngayong buwan ng Marso.

Samantala, idinagdag ng PAGASA na hindi pa tuluyang nawawala ang amihan dahil patuloy na nararamdaman ang malamig na hangin sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

Sinabi ni Dr. Esperanza Cayanan ng PAGASA weather division na papasok na ang tag-init pero imminent pa lang dahil hindi pa nakikita na wala ng mararanasang northeasterlies.

TAGS: summer heat wave, summer heat wave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.