Angono, Rizal Mayor Jeri Mae Calderon nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 08:57 AM

Positibo sa COVID-19 si Angono, Rizal Mayor Jeri Mae Calderon.

Ayon sa alkalde, Sabado ng gabi nang isugod siya sa ospital dahil sa matinding pananakit ng ulo at mataas na lagnat.

Na-confine siya sa ospital, at kahapon araw ng Miyerkules (Sept. 30) lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.

Maliban sa lagnat, pananakit ng ulo, nakararanas din ng sore throat at nawalan ng ganang kumain si Calderon.

Emosyonal si Calderon sa kaniyang Facebook live dahil nag-iisa umano siya sa kaniyang hospital room at hindi pwedeng may kasama.

Labis aniyang nakalulungkot na mag-isa, subalit ito ang nararapat para hindi na siya makahawa pa lalo at may mga sintomas siya.

Nagpasalamat ang alkalde sa panalangin ng kaniyang mga constituents.

 

 

TAGS: Angono, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mayor Jeri Mae Calderon, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angono, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Mayor Jeri Mae Calderon, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.