Alas 7:55 ng umaga, nakapagtala pa ng magnitude 3.1 na lindol sa 20 kilometers Northeast ng Bayabas.
Ayon sa Phivolcs, 18 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Simula alas 12:00 ng hatinggabi, magkakasunod na may kalakasang lindol na ang naitala sa Bayabas, Surigao del Sur.
Sa kabuuan, 14 nang may kalakasang pagyanig ang naitala sa bayan ng Bayabas.
Pinakamalakas dito ay ang magnitude 5.3 na naitala 6:10 ng umaga.
Narito ang mga naitalang pagyanig sa Surigao del Sur:
– 12:54AM Magnitude 3.2 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 3:41AM Magnitude 4.0 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 3:56AM Magnitude 4.2 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 4:00AM Magnitude 3.0 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 4:47AM Magnitude 4.1 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 4:51AM Magnitude 3.4 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 5:08AM Magnitude 4.4 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 5:13AM Magnitude 4.9 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 5:19AM Magnitude 3.7 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 5:53AM Magnitude 4.2 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:10AM Magnitude 5.3 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:17AM Magnitude 3.3 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:31AM Magnitude 3.4 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 7:55AM Magnitude 3.1 (Bayabas, Surigao del Sur)
Ang mga pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.