Mga residente sa Cavite papayagang bumisita sa mga sementeryo hanggang October 27
Simula ngayong araw, October 1 hanggang sa October 27 ay papayagan na bumisita sa mga sementeryo ang mga taga-Cavite.
Naglatag lamang si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng mga panuntunang susundin sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay.
Ayon kay Remulla, maaring dumalaw sa sementeryo mula 9AM hanggang 7PM.
Bawal ang kainan kahit sa mga pribado at sosyal na libingan at lalong bawal ang inuman at lasingan.
Bawal din ang maglako ng mga pagkain at inumin sa sementeryo.
Ang mga municipal at city government ang magbibigay ng regulasyon ukol sa papayagang dami ng tao sa loob ng sementeryo.
Kailangan naka-face mask at face shield ang lahat ng magtutungo sa sementeryo.
Bawal ang Karaoke at maingay na kantahan.
Ang mga bata below 18 years old ay bawal pumunta sa sementeryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.