Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.07 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (October 1) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 178.08 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.44 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.53 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.04 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.05 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao at Caliraya dams.
READ NEXT
San Miguel Corporation, TESDA naglunsad ng livelihood training program para sa mga taga-Bulacan
MOST READ
LATEST STORIES