San Miguel Corporation, TESDA naglunsad ng livelihood training program para sa mga taga-Bulacan
Inilunsad ng San Miguel Corporation (SMC) at ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang massive skills and livelihood training program para sa mga residente ng Bulacan.
Mayroong 60 mula sa Barangay Taliptip ang nakuha ng libreng training para sa sumusunod na programa:
– metal arc welding
– electrical installation and maintenance
– heavy equipment operations
– cookery
– dressmaking
Layon ng nasabing programa na ihanda ang mga residente sa Bulacan para sa mga magbubukas na trabaho sa airport project construction sa lalawigan.
Inaasahan kasing aabot sa milyun-milyong direct at indirect jobs ang malilikha ng naturang paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.