DOJ Usec. Markk Perete nagbitiw sa pwesto
By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 06:47 AM
Nagbitiw sa kaniyang pwesto si Department of Justice Undersecretary at spokesperson Markk Perete.
Kinumpirma ito ni Perete sa maiksing pahayag na ipinadala sa mga mamamahayag.
Ayon kay Perete, matapos pag-isipang mabuti, nagdesisyon siyang isumite na ang resignation na epektibo ngayong araw, Oct. 1.
“Serious reasons” ang binanggit na dahilan ni Perete sa kaniyang pagbibitiw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.