Train speed ng MRT-3 itinaas sa 40kph

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 06:24 AM

Inaasahang mas mapapabilis ang pagbiyahe ng mga pasahero sakay ng MRT-3.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula ngayong araw October 1 ay itataas sa 40 kph ang bilis ng takbo ng mga tren.

Mangangahulugan ito ng mas mabilis na travel time at mas maiksing waiting time para sa pagdating ng mga tren sa istasyon.

Ang mas pagtaas sa speed limit ay kasunod ng paglalagay ng mga bagong long-welded rails (LWRs) sa lahat ng MRT-3 stations.

Mula 40kph, ay itataas pa ang bilis ng mga tren sa 50kph sa Nobyembre at 60kph sa Disyembre.

Ngayong buwan ng Setyembre ay nakumpleto na ng MRT-3 ang pagpapalit sa mga riles nas mas maaga kaysa sa target schedule na February 2021.

 

 

TAGS: dotr, Inquirer News, mass transportation, MRT, News in the Philippines, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, train speed, dotr, Inquirer News, mass transportation, MRT, News in the Philippines, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, train speed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.