Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 38,968

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 472 na bagong kaso kaya pumalo na sa 38,968 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,426
Laguna – 12,265
Batangas – 6,907
Rizal – 7,454
Quezon – 1,916

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,937.

Nasa 20,119 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 193 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,793
Laguna – 6,397
Batangas – 3,835
Rizal – 2,903
Quezon – 1,191

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 912 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 227
Laguna – 216
Batangas – 172
Rizal – 237
Quezon – 60

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

Read more...