Baguio, nakapagtala ng 30 bagong COVID-19 recoveries
Umabot sa 32 residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (September 30), umabot na sa 947 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
30 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Ito ang pinakamataas na naitalang recoveries sa isang araw sa Baguio.
Bunsod nito, 508 na ang total recoveries sa Baguio City habang 12 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 2,941 ang aktibo habang 3,133 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 10,202 na residente habang 19,324 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.