Online transactions fees, suspendihin o babaan muna – Sen. Pangilinan

By Jan Escosio September 30, 2020 - 11:41 PM

Nanawagan si Senator Francis Pangilinan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mamagitan na para suspendihin muna o ibaba ang kokolektahing transaction fee sa InstaPay.

Giit ni Pangilinan, nasa gitna pa rin ang bansa ng pakikipaglaban sa pandemiya at ang pagsuspinde sa koleksyon ay malaking tulong sa mga lubos na naapektuhan, tulad ng mga nawalan ng trabaho o nabawasan ang pinagkakakitaan.

Simula sa Huwebes, October 1, ilang bangko ang muling maniningil ng transaction fees via InstaPay, isang electronic fund transfer service sa pagitan ng mga bangko na nasa pangangasiwa ng BSP at non-bank e-money issuer.

“Milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID at lockdowns. Malaking tulong yung pagsuspindi o pagbaba ng online transaction fees,” aniya.

Unang hiniling ng BSP sa mga bangko na alisin muna ang kanilang online transaction fee para mahikayat ang tao na gamitin na lang ang online banking para maiwasan pa ang pagkalat ng sakit.

TAGS: BSP, Inquirer News, InstaPay, online transactions fees, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, transaction fee, BSP, Inquirer News, InstaPay, online transactions fees, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, transaction fee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.