Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kaninang 8:00 ng umaga, Marso 9, aabot na sa kabuuang 22,839,593 ang mga balotang naimprenta.
Ito umano ay katumbas ng 40.97 percent ng mahigit 55 milyong balota na kakailanganin sa May 9 national elections.
Ang mga na-verify na balota o dumaan sa vote counting machine (VCM) ay aabot naman sa 12,603,451.
Sinabi pa ni Guanzon na posibleng ang pag-iimprenta sa mga balota ay matapos sa unang linggo ng Abril, habang ang verification naman ay maaaring matapos sa pagitan ng April 20 hanggang 25.
MOST READ
LATEST STORIES